Athalia Badere, Mel Martinez are ‘D Aswang Slayerz’ in new horror comedy

Nagbabalik ang horror comedy genre sa mga sinehan sa pamamagitan ng bagong pelikulang ‘D Aswang Slayerz’ kung saan bida ang baguhan ngunit malaki ang potensyal na dalagang si Athalia Badere at ang beteranong komedyanteng si Mel Martinez na nagbabalik sa pinilakang tabing.

Sa intimate interview sa kanilang dalawa, napag-usapan ang pagbabalik-pelikula ni Mel.

“Every work for me is precious. For the longest time, I’ve been the best friend, the confidante—gano’n yung mga role ko. Minsan sa Channel 7, nabibigyan naman ako ng pagkakataon na [maging] bida katulad sa Wish Ko Lang. Para sa ‘kin it’s all the same to me as long as it’s work.”

“Ako si Paps Mir dito,” sabi ni Mel nang nakatawa. Dumiretso na siya sa pagbigay ng ideya kung tungkol saan ang pelikula.

“Sa probinsya called Santinakpan, doon lumalaganap ang mga aswang. Kinunan ito sa mga liblib na lugar ng Rizal. “Kumakalat ang mga aswang, pinamumunuan ni Reyna Helga, played by Sharmaine Arnaiz. Ang mga tagasugpo ng aswang, ang mga Aswang SlayerZ, kung saan kami ni Athalia ay kami yung last line ng mga mandirigma. Kami yung mga berdugo. Kami ay magtito. Ang sugo, played by Magdalena Fox, ay pinuntahan…kami sa Maynila dahil kami ang tagawasak ng mga aswang. Doon na yung mga adventure at misadventures na nakakatawa.”

“We have content creators like Christian Antolin, Rosie Bagenben, Lester Tolentino, Benjie Rosales, Dawn Dupaya, at introducing sina GJ Dorado at Chelsea Bon.”

Samantala, ang baguhang artista na si Athalia ay first time na magkaroon ng pelikula. Nabanggit niya na paborito niya sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at Nadine Lustre sa hanay ng mga babaeng artista sa panahon ngayon.

“Pang-apat ko na po ‘tong project,” pahayag niya.

Patungkol sa nararamdaman niya sa kauna-unahan niyang pelikula, ito ang nasabi niya: “Sobrang happy po… Noong bata po kasi ako, lagi akong nasa sinehan… Naisip ko pong one day sana nasa screen din po ako sa sinehan. And then ito na nga po, nasa sinehan na po ako at sobrang saya ko ngayon!”

Bilang isang Grade 10 student, na-miss niya ang pagkakaroon ng physical classes. Alam ng mga kaklase niya ang pag-aartista niya at lahat naman daw ay supportive sa kanya.

Bago pa siya bumalik sa face-to-face schooling ay na-shoot na nila ang pelikula sa lalawigan ng Rizal.

“Ako po si Ebs, siya po dito ay isang mabait at matapang na bata. Gagawin niya ang lahat-lahat para mapasaya niya yung tito niyang si Paps Mir.

Naikwento rin niya na hindi siya masyadong nag-fight scenes pero nahirapan siya sa paggamit ng tirador.

Abangan natin ang pagbibidang ito ng promising newbie na si Athalia Badere.

Magkakaroon ng advance screening ang pelikulang D’ Aswang Slayerz’ sa February 11, 2023, Sabado, sa Sta. Lucia Mall Cinema 9. Para sa tickets, kontakin lang ang Facebook page ng Amartha Entertainment Production o tumawag o mag-text sa 09167551659.

Inaaasahang maipapalabas ang pelikulang ito ng Amartha Entertainment Production sa March 2023.

Photo courtesy of Amartha Entertainment Production
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s